Your last 2

  • Who shall it be?,  Your last 2

    Panghuling Dalawa

    Panghuling Dalawa (BOB/BOS Activity Reflection)    Sa buhay halos araw-araw may mga desisyon tayong ginagawa. Mula sa pagmulat ng ating mata hanggang sa pagtulog. Ngunit sa araw na ito hindi batid ng aking puso ang magaganap. Naiwan akong luhaan, habang nasa gitna ng sitwasyong kailangang pumili. Hawak-hawak ko ang maliliit na mga papel kung saan naka sulat roon ang mga tao, lugar, bagay, sitwasyon atbp. na kailangang bitawan. Ngayon nasa panghuling lebel na – kailangan bitawan lahat maliban lamang sa dalawang papel. Napuno ng inggay ang hall ng St. Paul, naririnig ko ang mga kapatid na ang ibay nahihirapang mag desisyon. Ang iba namay naka-ngiti na at silay nakapili na.…